PINABULAANAN ng Malakanyang na nag-news blackout sila sa usapin ng hirit ng Taiwanese government sa Pilipinas na magsagawa ng formal apology at ibigay ang kaukulang kompensasyon sa pamilya ng napatay na Taiwanese fisherman ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa karagatan.
Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, patuloy ang deliberasyon sa usapin kaya masasabing hilaw na impormasyon ang kanilang maibibigay kapag pinilit na magkomento sa nasabing usapin.
“Over the past few days, queries as regards to the situation arising from the May 9 encounter have been coming from the media. However, at this point, there would be little to say aside from reiterations of the President’s call for all to approach the issue with calm. We hope for your understanding as we defer from further commenting on the issues with the objective of preventing further escalation while deliberations are ongoing. Thank you very much,” ayon kay Sec. Lacierda sabay sabing “I just made a statement, so fair warning to all of you who’s going to ask about the Taiwan issue.”
Kukumpirmahin muna ng Malakanyang sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang ulat na may ilang pamilya na ng OFWs ang nagrereklamo kaugnay sa pagmamaltrato ng amo sa kanilang mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa Taiwan.
Sa ulat, makaraang magpatupad ng “freeze order” laban sa overseas Filipino workers (OFWs), ni-recall na rin ngayon ng Taiwanese government ang kanilang kinatawan sa Pilipinas.
Sinabi ng tagapagsalita ni Taiwan’s President Ma Ying-jeou, hindi nila tanggap ang pakikiramay at paghingi ng paumanhin nang kung sinu-sinong personalidad, lalo’t ang may pananagutan aniya sa kaso ay ang Philippine government.
Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos mapatay ang isang Taiwanese fisherman ng sinasabing mga miyembro ng Philippine coast guard sa karagatan.
Muli ring ipinarating ng Taiwanese government ang kanilang demand para sa “formal apology” at kaukulang kompensasyon sa pamilya ng biktima.
Nagbabala pa ang tagapagsalita ni President Ma, na kapag muling nabigo ang Malacañang sa kanilang demand, magpapatupad sila ng “second wave of sanctions.”
“Ayon sa report, balak naman ng Pilipinas na ipadala si special envoy Amadeo Perez, chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) para ipaliwanag ang posisyon ng gobyerno.