Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

DFA Sec. pinakamayaman sa gabinete ni PNoy

$
0
0

NANANATILING hawak ni Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario ang posisyon bilang “pinakamayamang miyembro” ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

Base sa Statements of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) na ipinalabas ng Malakanyang ay malinaw na mayroon  siyang P705,481,105.13 na yaman para sa taong 2012 kumpara noong 2011 na mayroon P657,834,755 lamang.

Samantala, ang iba pang cabinet members na nagpasa ng kanilang SALN ay sina Finance Secretary Cesar Purisima na mayroong P270,712,090.46 (2012) kumpara noong taong 2011 na mayroon namang P261, 585,294.34; Department of Tourism Ramon Jimenez Jr., P249, 986,800 (2012) kumpara sa kanyang P238,231,000 (2011); Interior and Local Government (DILG) Mar Roxas na mayroong P203,357,102.25 (2012) kumpara sa kanyang P183,107,369.72 (2011) habang siya ay kalihim pa ng Department of Transportation and Communication (DoTC); Department of Trade and Industry Gregory Domingo na mayroong P150,771,640 (2012) kumpara sa kanyang P153,102,000 (2011); Office of the Cabinet Secretary Jose Rene Almendras na mayroong P115, 400,538.96 (2012) kumpara noong siya ay isa pa lamang Energy Secretary kung saan ay nakapagtala siya sa kanyang SALN ng P117,214,809.98.

Nakapagtala naman si Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa kanyang SALN ng P93,975,676.90 (2012) kumpara sa kanyang P87,009,682.88 (2011); DPWH Sec. Rogelio Singson na P83,850,725 (2012) kumpara sa kanyang P84,154,190.77 (2011); Health Secretary Enrique Ona na mayroong P80,231,607.64 (2012) kumpara sa kanyang P80,786,666.00 (2011); Department of Science and Technology (DoST) Mario Montejo na mayroong P63,854,242 (2012) kumpara sa kanyang P55,584,596.26 (2011); Commission on Higher Education (ChEd) Patricia Licuanan na mayroong P49,264,173 at $84,168 (2012) kumpara sa kanyang P48,908,936 (2011); Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad na mayroong P38,329,509.15 (2012) kumpara sa kanyang P29,655,959.82 (2011); Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ramon Jesus Paje na P30.88 million (2012) kumpara sa kanyang P29,300,000 (2011); at National Anti-Poverty Commission Jose Eliseo Rocamora na mayroong P22,379,295 (2012) kumpara sa kanyang P25,379,119.81 (2011).

Nagsumite rin ng kanilang SALN sina Defense Secretary Voltaire Gazmin na mayroong P23,870,657 kumpara sa kanyang P23,505,542 (2011); MMDA chair Francis Tolentino na mayroong P43,773,691.02 (2012) kumpara sa kanyang P22,540,391.52 (2011).

Kapansin-pansin na halos kalahati ng kanyang SALN noong nakaraang ang itinaas ng SALN ni Tolentino para sa taong 2011; Office of the Presidential Adviser on Peace Process Teresita Deles na mayroong P7,092,974.17 (2012) kumpara sa kanyang P21,832,293 (2011); Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., P17,561,088.62 kumpara sa kanyang 17,079,709.00 (2011); Presidential Management Staff chief Julia Andrea Abad na mayroong P20,370,000 (2012) kumpara sa kanyang P16,800,000 (2011); National Security Council Cesar Garcia Jr. na mayroong P16,100,000.00 (2012) kumpara sa kanyang P15,600,000 (2011); Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio Coloma Jr. na mayroong P15,840,000 (2012) kumpara sa kanyang P14,740,000 (2011); Department of Agrarian Reform Secretary Virgilio Delos Reyes na mayroong P14,060,967.00 (2012) kumpara sa kanyang P14,255,692 (2011); Mindanao Development Authority Luwalhati R. Antonino na mayroong P14,595,000 (2012) kumpara sa kanyang P14,095,000 (2011) at Presidential spokesman Edwin Lacierda na mayroong P13,768,024.62 (2012) kumpara sa kanyang P13,760,536.07 (2011).

Kabilang din sa nagsumite ng kanilang SALN sina Presidential Legislative Liaison Office Manuel Mamba P10,869,500 (2012) kumpara sa kanyang P13,155,000 (2011); Presidential Communications Development & Strategic Planning Office Ramon Carandang na mayroong P7,551,000 (2012) kumpara sa kanyang P7,545,000 (2011); Office of the Presidential Political Adviser Ronaldo Llamas P5,467,800 (2012) kumpara sa kanyang P5,017,800 (2011); Justice Secretary Leila de Lima na mayroong P4,239,050 (2012) kumpara sa kanyang P3,618,000 (2011); DSWD Sec. Corazon “Dinky” Soliman na mayroong P3,240,000 (2012) kumpara sa kanyang P3,000,000 (2011); Department of Labor and Employment Sec. Rosalinda Baldoz  na mayroong P2,982,449.57 (2012) kumpara sa kanyang P924,206.47 at Department of Education Sec. Armin Luistro na mayroong P550,651.14 (2012) kumpara sa kanyang P739,006.14 (2011).

Hindi naman nagpaiwan sa pagsusumite ng kanilang SALN ang mga bagong salta na miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino na sina Department of Transportation and Communication Sec. Joseph Emilio Abaya na mayroong P124,457,000 (2012); National Economic and Development Authority (NEDA) chair Arsenio Balisacan na mayroong P25,769,600 (2012); Office of the Presidential legal Counsel Alfredo Benjamin Caguiao na mayroong P120,275,000 (2012); Department of Energy Sec. Carlos Jericho Petilla na mayroong P111,295,110.00 (2012); National Commission on on Muslim Filipinos Mehol Sadain na mayroong P11,524,840.00 (2012) at Technical Education & Skills Dev. Authority Emmanuel Joel Villanueva na mayroong P22,472,955.00 (2012).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>