Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Mag-asawa tiklo sa pagbebenta ng shabu

$
0
0

KULUNGAN ang bagsak ng mag-asawang drug pusher matapos na madakip ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Valenzuela City PNP at PDEA sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Kinilala ng Valenzuela PNP ang mag-asawang suspek na sina Alvin Banalnal, 24 anyos at Cora Sigulat, 25 anyos, kapwa nakatira sa #45 Mabini Street, San Roque,  Marikina City.

Batay sa report ng pulisya, nakarating kay Mayor Sherwin Gatchalian ang reklamo ng mga residente ng Barangay Ugong, hinggil sa illegal na aktibidad ng mag-asawa na kilalang notorious na pusher sa kanilang lugar.

Dahil dito, agad na inutusan ng alkalde ang kapulisan at kasama ang PDEA na nagsagawa ng operasyon sa pamumuno ni Chief Insp. Allan Ruba sa bahagi ng Lamesa Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod, dakong 10:30 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mag-asawang pusher.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 7.20 gramo ng shabu na nagkakahalaga  ng P70,000.00 at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs, Sec. 5  of  RA. 9165  ang mag-asawa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>