HANGGANG June 12 na lamang ang ibinigay na palugit ng Commission on Elections (Comelec) para makapagsumite ng kani-kanilang Statement of Election Contributions and Expenditures (SECE) ang mga politikong
kumandidato noong nakalipas na May midterm elections.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hindi papayagang makaupo sa kanilang puwesto ang sinomang kandidato na hindi makapagko-comply sa nasabing requirements.
Alinsunod sa batas, ang mga tumakbong kandidato ay kailangan magsumite ng statement of expenditures sa loob ng 30 araw matapos ang eleksyon.