TATLUMPO’T walong kongresista ang nakatakdang magtapos ngayong hapon kasabay ng pagsasara ng 15th Congress.
Sinabi ni House Public Relations and Information Bureau (PRIB) Executive Director Rica dela Cuesta, na hindi kabilang sa 38 ang tatlong yumaong mambabatas na sina Negros Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, Zambales Rep. Antonio Diaz at Cagayan Rep. Florencio Vargas.
Ipagkakaloob sa mga mambabatas na gagraduate ang congressional plaque, medal at hard copy at audio visual copy ng kanilang mga legislative performance.
Subalit sa mga namayapang mambabatas ay mga kamag-anak na lamang ang tatanggap ng mementos para sa mga namayapang kongresista.
Sa 15th Congress din nasawi sina Bohol Rep. Erico Aumentado, Sorsogon Rep. Salvador Escudero III at Camiguin Rep. Pedro Romualdo na dapat sana ay tutuntong na ang mga ito sa ikatlong termino.
Kabilang din sa mga ga-graduate sina Senator-elect Sonny Angara.
Nilinaw pa nitong hindi lamang ang mga 3rd termer na mga kongresista ang makakatanggap ng pagkilala kundi pati ang mga 2nd at 1st termer congressmen.
Kabilang din sa mga nakatapos ng ikatlong termino ay sina Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo, Minority Leader Danilo Suarez , Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta at An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel.
The post 38 kongresista na nakatapos ng ikatlong termino, pararangalan appeared first on Remate.