Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Sanggol iniwang patay sa loob ng chapel

$
0
0

ISANG patay na sanggol ang basta na lamang iniwan ng kanyang walang pusong  ina sa loob ng isang chapel kagabi sa Pandacan, Maynila.

Ayon kay SPO1  Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6 ng gabi nang madiskubre ni Felix Acosta,janitor sa Sto.Nino Church sa Pandacan, Maynila ang kasisilang na sanggol na babae sa loob ng Adoracion Chapel ng nabanggit na simbahan.

Nabatid na nakabalot ng puting tela saka inilagay sa plastic bag bago ipinasok sa kahon ng sapatos ang sanggol na nasa dalawa hanggang tatlong araw pa lang ang edad.

Naglilinis umano ng chapel si Acosta nang makita ‘yong kahon at dahil sa kuryusidad binuksan nito at tumambad sa kanya ang patay na sanggol.

Kaagad na ipinaalam ni Acosta sa parish priest na si Father Larry Abaes ang nakitang patay na sanggol na siyang tumawag sa himpilan ng pulisya.

Bago naman dalhin sa Universal Funeral Homes para sa safekeeping ang sanggol ay binasbasan muna ito ng pari.

Bigo naman ang mga awtoridad na matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

The post Sanggol iniwang patay sa loob ng chapel appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>