MATAPOS ang pormal na pagsasara ng 15th Congress ay naghahanda na ang Kamara para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino sa July 22, 2013.
Nagsara ang Kamara kagabi matapos ang closing speech nina House Minority Leader Danilo Suarez na sinundan ni House Speaker Feliciano Belmonte pasado alas-8:00 ng gabi bilang sine die adjournment.
Inilalatag na ng Committee on Media sa Kamara sa pangunguna ng Public Relations and Information Bureau (PRIB) ang gagawing coverage sa ika-apat na SONA ni PNoy.
Sa isang pakikipagpulong sa mga mamamahayag, crew at cameramen na magko-cover ng SONA, sinabi ni PRIB Executive Director Rica dela Cuesta na isang buwan ang paghahanda upang mailatag ang rules at guidelines sa gagawing coverage at hindi na maulit ang mga pagkakamali at kalituhan sa nakalipas na SONA coverage.
Magsisimula ang pagsusumite para sa media accreditation sa ikalawang linggo ng Hunyo at matatapos hanggang sa ikalawang linggo ng Hulyo.
Bukod sa mga kagawad ng media ay kasama rin ang Presidential Security Group, House Legislative Security Group, RTVM at Senate PRIB.
The post Paghahanda ng Kamara sa SONA, sinisimulan na appeared first on Remate.