Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Van natangay sa ikalawang pagkakataon

$
0
0

NATANGAY  sa ikalawang pagkakataon  ang isang van ng hindi pa kilalang suspek sa Caloocan City noong Miyerkules ng gabi.

Sa pahayag ng biktimang si Fidel Flores, 63, dakong alas-8:30 ng gabi, ipinarada niya ang kanyang Toyota Lite Ace (TCB-403) sa tapat ng kanilang bahay sa A. Mabini St., ng lungsod at pumasok sa kanilang bahay.

Ilang saglit pa ay narinig niya na umandar ang makina ng sasakyan na naging dahilan upang labasin hanggang sa makitang papaalis na ang van dala ng hindi pa kilalang suspek.

Tinangkang habulin ng biktima ang van subalit nabigo na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Lumalabas na noong July 10, 2011 ng hatinggabi ay natangay rin ang nasabing van ng hindi pa kilalang suspek subalit nabawi makaraang iwan sa Balut, Tondo, Manila matapos maubusan ng gasolina.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang tumangay ng van ng biktima.

The post Van natangay sa ikalawang pagkakataon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>