PATAY ang isang konduktor ng bus matapos itong barilin sa ulo ng di nakilalang suspek habang kasama ang kanyang kasintahan kagabi sa Maynila.
Kinilala ang biktima na si Salvador Ocampo, 30, konduktor ng Raymund Bus.
Nabatid na galing umano ang biktima kasama ang kasintahan sa isang apartel nang abangan sila ng isa sa suspek habang naglalakad palabas ng establisemyento.
Pagsapit sa kanto ng Alcantara at Lacson Street sa Maynila ay agad binaril ang biktima sa ulo.
Matapos maisakatuparan ng suspek ang pakay ay kaswal lamang na naglakad ang gunman at kasabwat nito.
Hindi naman sinaktan ang kasintahan ng biktima.
Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
Inaalam rin ng pulisya kung may CCTV sa lugar na posibleng makapagbigay linaw sa pagkakilanlan ng mga suspek.
The post Konduktor ng bus, patay appeared first on Remate.