PAGKAKALOOBAN ng libreng sakay bukas, June 25 sa LRT at MRT ang mga tripulanteng Pinoy bilang pagbibigay pugay sa mga Filipino seafarers sa bansa.
Batay sa ulat, ang Hunyo 25 ay idineklarang Day of the Filipino Seafarers sa bisa ng Proclamation 183 na nilagdaan noon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Muling nagpaalala si LRT administrator at spokesman Hernando Cabrera, ang libreng sakay sa LRT 1 at 2, gayundin sa MRT-3 ay magsisimula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Para makapag-avail ng libreng sakay, kailangan lang umano ay magpakita ng valid MARINA-issued seaman’s book o PRC ID ang mga Pinoy seafarers.
The post Pinoy seafarer may libreng sakay sa LTR/MRT appeared first on Remate.