MARIING sinusuportahn ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbuwag sa Sangguniang Kabataan (SK).
Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, kanilang hihilingin sa 16th Congress na i-abolish na ang SK.
Giit ni Tagle wala namang mabuting naidudulot sa mga kabataan ang SK, bagkus, ay nae-expose pa ang mga ito sa dumi ng pulitika.
Binigyang diin pa ni Tagle na hindi praktikal ang pagdaraos ng SK elections dahil maliban sa magastos mababa din naman ang turn-out ng mga kabataang bumoboto.
The post Pagbuwag sa SK kinatigan ng Comelec appeared first on Remate.