TINIYAK ngayon ng Malacañang na ligtas at nasa magandang seguridad ng mga mamamayan ng Australia at Canada na narito sa bansa.
Ang security measure na ipinatutupad ng Pilipinas para sa mga dayuhan ay sa gitna ng travel advisory ng dalawang bansa na pinag-iingat ang kanilang mamamayan sa pagbiyahe sa Pilipinas lalo sa Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, makaaasa ang Australia at Canada na kasama ang kanilang mamamayan sa poprotektahan ng gobyerno mula sa anumang karahasan.
Ayon kay Lacierda, nauunawaan naman nila ang nasabing travel advisory bilang bahagi ng precautionary measures ng mga foreign governments.
Para sa Malacañang, ito ay normal lamang na gawain ng bawat gobyerno para sa kani-kanilang mamamayan sa ibang bansa.
The post Australian at Canadian national ligtas sa PHL appeared first on Remate.