NASUGATAN ang magkapatid na dalagitang anak ng umano’y drug pusher nang tamaan ng ligaw na bala sa nagnap na shootout sa pagitan ng kanilang ama at ng mga pulis sa Barangay Rio Hondo sa Zamboanga City.
Sa report ng Zamboanga City police office, naglunsad ng buy-bust operation kaninang umaga ang mga PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (AIDSOTG) na pinangunahan ni S/Insp. Elmer Solon laban kay Aljid Hairul o kilala rin sa tawag na Ajid Araluddin at sa misis nitong si Nushra Araluddin na nagresulta sa shootout.
Bago tinamaan ng ligaw na bala ang dalawang dalagita, una umanong nakipagbarilan sa mga pulis ang suspek sa hindi kalayuan sa kanilang bahay at dalawang beses na tinamaan sa dibdib ang pulis na si PO1 Edgar Gaganting pero hindi ito tumagos dahil sa suot nitong safety vest.
Tumakbo umano papunta sa loob ng kanilang bahay ang suspek habang patuloy na pinapuputukan ang mga pulis kaya tinamaan ng bala ang mga biktima.
Tumakas ang suspek sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat kasama ang kanyang misis.
Naiwan naman ang dalawa nilang anak na sugatan sa insidente.
Nakuha sa loob ng bahay ng mag-asawang suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu, tatlong baril, mga bala, mga drug paraphernalia at iba pang mga personal na kagamitan na ginagamit umano sa iligal na transaksyon sa lugar.
Ginagamot naman ngayon sa Zamboanga City Medical Center ang magkapatid na tinamaan ng bala sa binti at sa iba pang parte ng katawan.
Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa nakatakas na mag-asawa.

The post Bala sa ama sa 2 dalagitang anak tumama appeared first on Remate.