Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

‘Honoraria’ itinanggi ng mga obispo at pari

$
0
0

WALANG katotohanan ang mga ulat na tinutukoy ang mga Obispo at pari ng Diocese of Bulacan na tumatayong consultant at tumatanggap ng “honoraria” mula sa provincial government ng Bulacan.

Ito ang nilinaw ni Malolos Bishop Jose Oliveros sa isang text message na kanyang ipinadala.

Nilinaw ni Oliveros, na kasalukuyang nasa Roma, na wala siyang nalalaman na tumatanggap ng honoraria ang Diocese ng Malolos  mula sa lokal na pamahalaan ng Bulacan.

“On my part, wala akong nalalaman sa alegasyon kasi wala naman kaming tinatanggap, that’s the truth,” bahagi pa ng text message ng Obispo.

Binigyang-diin din ni Oliveros na wala sa kanila ang tumatanggap ng anumang kumpensasyon mula sa Provincial government ng Bulacan, taliwas sa walang katibayang ulat ng Commission on Audit.

“No one from among us receives any compensation from the provincial government of Bulacan,” paglilinaw pa niya.

Sinabi pa ng Obispo na ang katotohanan ay hindi Obispo at mga pari sa Diocese of Malolos ang tinutukoy sa ulat na tumatanggap ng honoraria sa lokal na pamahalaan, kundi isang Ephraim Perez na mula sa Christian Catholic Church at umano’y nagpapanggap na Obispo ng Bulacan.

Sinasabing tumatanggap si Perez ng P20,000 hanggang P25,000 kada buwan bilang consultant ng provincial government.

“Ephraim Perez who claims he is the Bishop of Bulacan receives P20,000-25,000  monthly as consultant of the provincial government. His Church is called Christian Catholic Church,” ani Oliveros.

Iginiit din nito na mula sa stipend o kita sa mga misa, nagmumula ang anumang pondo ng Diocese of Malolos .

Samantala, naglabas na ng disclaimer statement sa isyu ang Diocesan Ministry on Social Communication.

The post ‘Honoraria’ itinanggi ng mga obispo at pari appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>