BUBUWAGIN na ang ilan sa mga tanggapan sa National Bureau of Investigation (NBI) bunsod ng ipatutupad na rationalization plan sa ahensya.
Ayon sa isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, kasama sa mga masasagasaan ng rationalization program ang Death Investigation Division, Anti-Terrorism Unit, Special Task Force at Reaction Arrest and Interdiction Division.
Ilang ahensya naman sa NBI ang papalitan ng pangalan gaya ng Anti-Organized Crime Division na papangalanan bilang Trans National Crime Division.
Ang nasabing rationalization plan ay aprubado na ng Department of Budget and Management at ng Department of Justice.
Katunayan, sa mga oras na ito ay pinupulong na ng mga kinatawan ng DBM at ng Civil Service Commission ang mga kawani ng NBI na maapektuhan ng rationalization.
Samantala, kinumpirma naman ni de Lima na bilang bahagi pa rin ng nasabing programa ay kumuha ang NBI ng halos 70 bagong agent at investigator mula pa noong 2011 at mayroon ding bagong tanggapan na binuo ang ahensya, ang Forensic Science Division.
Ipinaliwanag ni NBI Director Nonnatus Rojas na layunin ng rationalization na mas maayos na makatugon ang ahensya sa tumitinding mga organized crime.
Ilan sa palalakasin ng NBI kasunod ng nasabing plano ay ang Investigation Service; paggamit ng Science and Technology sa paglaban sa krimen at ang kanilang Information and Communications Technology division.
The post Ilang unit sa NBI bubuwagin na appeared first on Remate.