Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

2 pinagbabaril sa Caloocan kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang isang referee at isang ginang nang putukan ng alyas Silver Boy sa Caloocan City Linggo ng gabi, Hulyo 21.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa leeg si Danilo Cordero, 31, ng Balong Bato ng lungsod.

Sa Tondo Medical Center naman ginagamot sanhi ng tama ng bala sa katawan si Irma Tudence, 49, ng Libis Nadurata ng lungsod habang pinaghahanap ng mga pulis ang kalugar na si Albert Quijada, 23, alyas Silver Boy.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, pinuntahan ni Cordero si Quijada sa Libis Nadurata upang singilin sa utang subalit hindi nakapagbayad ang huli na naging dahilan ng pagtatalo.

Pumasok ng bahay ang suspek at paglabas ay may dala ng baril bago pinagbabaril si Cordero at minalas na mahagip ng ligaw na bala si Tudence na naging dahilan upang dalhin sa mga nasabing ospital ang mga biktima at tumakas ang suspek.

The post 2 pinagbabaril sa Caloocan kritikal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>