SWAK sa kulungan ang isang lalaki nang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot habang sakay ng motorsiklo na walang helmet sa Manapat St., Brgy. Tañong, Malabon City.
Naharap sa kasong paglabag ng RA 9165 illegal possession of dangerous drug si Jaime Zapanta y Loyola, 34, binata, ng Blk 4 Phase 3, Kaunlaran Village Caloocan City.
Ayon sa ulat, dakong alas 12:45 kaninang hating gabi ng mahuli ang suspek ng salungatin nito ang trapiko sa nasabing lugar.
Nauna rito sinita ang suspek nina P01 Bregino Melbert P01 Derald Guzman at dalawang kasamahan pa dahil sa pag counter flow nito sa trapiko at wala pang suot na helmet.
Matapos dalhin sa presonro ang suspek ay nakuha pa sa kanyang bulsa ang isang maliit na plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Bukod sa kasong paglabag sa RA 9165 kinasuhan din paglabag sa walang helmet at pag counter flow sa trapiko.
The post Kelot nahulihan ng droga, timbog appeared first on Remate.