Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Productivity bonus sa pribadong sektor, isinulong

$
0
0

ISINULONG ng mag-inang Reps. Productivity bonus sa pribadong sektor, isinulong (Camarines Sur) at Gloria Arroy (Pampanga) ang taunang productivity incentive bonus sa mga manggagawa sa pribadong sector.

Ayon sa dalawang mambabatas, dahil ang labor sector ay maikukunsiderang pangunahing social economic force, bahagi ng mandato ng Konstitusyon na maisulong ang kanilang karapatan.

Nakapaloob sa HB 1376, sinabi ng mga mambabatas na kadalasang nagiging komprontasyon ang talakayan sa pagitan ng employer at empleyado pagdating sa usapin ng pagtaas nang sahod at iba pang benepisyo.

“As a result, the productivity expected both from labor and management suffers and results in a lower level of competitiveness which threatens survival of an enterprise,” ayon sa dalawang mambabatas.

Giit pa ng nakababatang Arroyo na ang pagbibigay ng Productivity Incentive Bonuses sa manggagawa ay pagkilala sa kanilang kontribusyon sa tagumpay ng kumpanya.

Hindi sakop ng panukala ang mga government-owned and controlled corporations; managerial employees; house helpers; at non-resident aliens.

Nakasaad din sa panukala na ang lalabag dito ay pagbabayarin ng multa nang hindi lalagpas sa P30,000 sa bawat apektadong manggagawa at pagkabilanggo ng 1-2 taon.

The post Productivity bonus sa pribadong sektor, isinulong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>