Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

PNoy, kinondena sa pork barrel stand

$
0
0

KINONDENA ng Makabayan Group sa Kamara ang pagtutol ni Pangulong Aquino na buwagin ng lubusan ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o bark barrel.

Ito ay sa gitna ng kaniyang “daang matuwid” at sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagputok ng P10 bilyong pork barrel scam.

“We, the Makabayan Coalition, denounce in the strongest terms the pronouncement made by President Benigno S. Aquino III that he is in favor of retaining the pork barrel system,” ayon sa nagkakaisang pahayag ng Makabayan Bloc na binubuo ng pitong partylists sa Kamara.

Binatikos ng grupo ang paninindigang ito ng pangulo sa gitna ng anila’y nagsusumigaw na ebidensya at pahayag mula sa ilang whistleblowers isama pa aniya ang report ng Commission on Audit kung saan lumalawak aniya ang pagkakasangkot diumano ng mga mambabatas sa pork barrel scam.

“The President has chosen to make his stand known when the snowballing public outrage has, for the first time, transformed the call for the abolition of the pork barrel system into a realistic proposition. No less than the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines has taken a stand against pork.”

Banggit pa ng Makabayan ang pagsuporta ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino sa Senado na buwagin ang pork barrel.

Kinuwestyon din ng mga kongresista ang timing ng paglalabas ni Pangulong Aquino ng kaniyang pagtutol sa pagbuwag sa pork barrel.
Taliwas anila ito sa “Daang Matuwid” ng pangulo na ang layunin ay ibunyag ang mga tiwali at katiwalian.

“The President himself has revealed how far he is willing to go in his anti-corruption drive—not far enough! It ends when it could threaten to disrupt the system of patronage politics that enables the President to use PDAF as a carrot-and-stick to control Congress and subvert separation of powers and checks-and-balances.”

Naniniwala rin ang Makabayan na mabubuwag lamang ang dynasty sa Pilipinas kapag tuluyan nang nabuwag ang pork barrel sa mga mambabatas.

The post PNoy, kinondena sa pork barrel stand appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan