Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Ari-arian ni Napoles, sisilipin ng BIR

$
0
0

NAGBUKAS ng sariling imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga ari-arian at kompanya ni Janet Lim Napoles bunga ng pagkakadawit sa P10-billion pork barrel funds na inilabas sa kaduda-dudang non-government organizations na bahagi ng kickback scheme na kinasangkutan ng ang ilang mambabatas.

Si Napoles ay inakusahan ng pagset-up ng mga pekeng NGO, at gamit ang pareho sa mga kontrata, maayos na pasiya sa pondo mula sa mga miyembro ng Kongreso.

Ayon kay BIR chief Kim Henares, hindi mahalaga sa kanilang pagsisiyasat ang pagdetermina sa legitimacy ng organisasyon ni Napoles o pakipag-ugnayan sa mga miyembro ng House of Representatives.

Sa halip, sisiyasatin lamang ng BIR kung si Napoles ay nagbabayad ng tamang buwis habang inamin naman niya na may mga asset at maraming ari–arian sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Nabatid sa mga ulat ng media nitong nakalipas na dalawang Linggo na si Napoles at kanyang pamilya ay maraming mga pag–aaring negosyo sa ibang bansa at ang kanyang mga abogado ay nagsabing walang katotohanan at libelous.

“When we investigate, it is comprehensive,I cannot tell you where we’re looking, what we’re looking at. What I can do is assure you that it is a comprehensive investigation,”ayon kay Henare.

Aniya , ang nais ng BIR ay kung nagbabayad sila ng tamang buwis at walang limitasyon ang imbestigasyon dito.

Sinabi naman ng abogado ni Napoles na si Atty  Bruce Rivera, walang itinatago  ang kanyang kliyente at nakahandang harapin ang imbestigasyon ng korte.

The post Ari-arian ni Napoles, sisilipin ng BIR appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan