KASABAY ng pagdiriwang ng Muslim community ng Eid’l Fitr ngayong araw ay inaprubahan ng Kataas-taasang Hukuman ang apela na magkaroon ng Sharia consultant para sa Judicial and Bar Council.
Sa isang pahinang resolusyon ng SC en banc, pinagbigyan nito ang kahilingan ni Associate Justice Marvic Leonen na magtalaga ng Jurisconsult sa Islamic Law
Nakasaad sa resolusyon na inaatasan nito si Court Administrator Jose Midas Marquez na gumawa ng rekomendasyon sa loob ng 30 araw.
Sa ngayon, mayroon lamang dalawang Muslim na mahistrado sa buong Pilipinas na kinabibilangan nina Court of Appeals Justices Japar Dimaampao at Hakim Abdulwahid.
Matatandaang hiniling ni Justice Leonen kay CJ Ma Lourdes Sereno ang pagtatalaga ng consultant to the JBC at jurisconsult sa Islamic Law.
Ayon kay Leonen, kahit na marami ang kwalipikado at eksperto sa Shari’a Law ay wala namang Sharia’a consultant.
The post Sharia consultant sa JBC aprub na appeared first on Remate.