KINUMPIRMA ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya sa pagdinig ng House Committee on Appropriations na wala pa ring desisyon ang gobyerno sa pagtataas ng pasahe sa MRT at LRT.
Paliwanag ng kalihim na kailangan pa ring idaan ito sa masusing konsultasyon.
Ngunit batay aniya sa pag-uusap ay posibleng halagang P11 sa unang sakay ng pasahero at P1 naman ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Ito aniya ang pinaka-makatwirang sistema ng fare increase dahil mas malaki ang babayarang dagdag ng pasaherong mas mahaba ang paggamit sa pasilidad.
Kasabay nito ay inihayag ni Abaya na mahigit P2.1 bilyong buwis ang binabayaran ng Metro Rail Transit Corporation o MRTC kada taon para sa duties, taxes at lisensya.
Hiwalay pa aniya ito sa P5.5 bilyon na ibinabayad ng gobyerno sa MRTC para sa build lease transfer payment.
Inalmahan naman ito ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenates nang ihalin tulad niya ito sa concession agreement ng MWSS sa Maynilad na naipapasa sa consumers ang income tax ng concessionaire.
Ito ang dahilan ani Abaya kung bakit pursigido ang administrasyong Aquino na i-buy out ang MRT 3.
The post Pagtataas sa pasahe ng MRT, wala pang desisyon – Sec. Abaya appeared first on Remate.