INAMIN kaninang umaga ng abogado ng isa sa mga whistleblower ng pork barrel scandal na pwedeng lumambot sila kay Janet Lim-Napoles sa kanyang kasong serious illegal detention.
Pero nilinaw ni Atty. Levito Baligod, na mangyayari lamang ito kung babawiin ni Napoles ang kanyang pagsisinungaling na nanghingi sa kanya ng pera si Benhur at ang pagkakasangkot din nito sa illegal drugs at illicit sexual activity.
Kabilang din sa inaalok na kasunduan ay dapat aminin ni Napoles na siya ang nasa likod ng lahat ng mga bogus at kwestyunableng non-governmental organizations (NGOs).
Ang negosyante ay nakakulong ngayon sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at walang piyansa dahil sa kasong serious illegal detention.
Gayunman agad na nilinaw ni Atty. Baligod na non-negotiable at hindi sila aatras sa pagdidiin kay Napoles sa isyu ng P10 billion pork barrel scam dahil ang usapin ay may kinalaman sa paglustay sa pondo ng bayan.
Aniya, ang kasong plunder o malversation of public funds ni Napoles ay hindi maaaring patawarin nila dahil nasa interes ito ng bayan.
The post Illegal detention case ni Napoles, ibabasura kung… appeared first on Remate.