DAPAT umanong payagang maagang makapagbigay ng written testimony ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles hinggil sa kinasasangkutan nitong P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, pabor siya sa panawagan ni Senator Miriam Defensor-Santiago na bago pa man litisin ay kuhanan na ng testimonya si Napoles upang matiyak na makukuha mula rito ang mga mahahalagang ebidensiya hinggil sa naturang iskandalo.
“That is one way to hasten the process… so that we’ll be able to know what she knows as soon as possible,” ani Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Aminado rin si Pabillo na nangangamba siyang wala na namang mangyari sa pork barrel scam at maging tulad na lamang ito ng Maguindanao Massacre case, kung saan mainam lamang sa simula at malaunan ay nakalimutan na kaya hanggang ngayon ay mailap pa rin ang hustisya sa mga biktima.
“We might see another Ampatuan case. It was only good at the start. Afterwards, it was just forgotten,” aniya.“That is our problem here in the country. Many are accused but there is no one being prosecuted.”
Iginiit rin ni Pabillo na kailangang litisin kaagad ang mga taong sangkot sa scam upang matiyak na maisisilbi ang hustisya sa mga tao.
“This is why it is important to hasten the proceedings. If the case drags, the more it will become complicated. That’s why a speedy process is necessary,” aniya pa.
Samantala, sinabi rin ni Pabillo na hindi masisisi ng pamahalaan ang publiko kung isipin man ng mga ito na binibigyan nila ng special treatment si Napoles, na kasalukuyang nakadetine sa Fort Sto. Domingo sa Laguna.
“We can really see that the treatment for Napoles is different from regular prisoners. That is why the people are asking… It is not believable (that there’s no VIP treatment). She appears to be overly protected… given utmost importance,” ani Pabillo.
The post Written testimony ni Napoles, madaliin – Obispo appeared first on Remate.