Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Stand-up comedian sa QC, nabiktima ng akyat bahay gang

$
0
0

NAAKYAT-BAHAY gang ang isang stand up comedian sa Quezon City sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Martes ng gabi (Setyembre 3).

Ang biktima na ayaw magpakikilala pero kilalang performer sa isang stand-up comedy bar sa QC ay natangayan ng P30,000 cash, ilang piraso ng cellphone units, alahas at maging ang kanyang mamahaling alagang aso.

Inilarawan naman nito ang limang suspect na nakasuot ng kulay pink na tela na ipinangtakip sa kanilang mukha para hindi mamukhaan at armado ng granada.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:30 nitong Martes ng gabi sa bahay ng biktima na ayaw ipaalam ang kanyang tinutuluyang bahay.

Bago ito, abala ang lahat ng nangungupahan sa bahay ng biktima nang biglang pumasok ang mga suspect at nagbantang pasasabugin ang granadang dala nila.

Sa takot, pinanoood na lang ng mga biktima ang paghahalughog ng mga suspect at nakahinga na lamang ng maluwag nang mag-sialisan na ang kanilang bisitang kawatan.

The post Stand-up comedian sa QC, nabiktima ng akyat bahay gang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>