Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Dalaga na BFP trainee, hinoldap

$
0
0

ISANG trainee ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagharap ng reklamo sa himpilan ng pulisya makaraan holdapin ng walong lalaki sa Cubao, Quezon City kahapon madaling araw Setyembre 3,2013 (Martes).

Kinilala ang biktima na si Charisma Angelica Compas, 27, dalaga, BFP trainnee ng 29 Chicago Street, Brgy. Pinagkaisahan, QC.

Ayon kay PO1 Jay-R Lisada ng Quezon City Police District station 10 Kamuning, naganap ang insidente sa kahabaan ng Chicago Street, Cubao, Brgy. Pinagkaisahan, QC dakong 3:50 ng madaling araw.

Sa ulat, naglalakad sa naturang lugar ang biktima kasama ang ilang kasamahan BFP trainnee nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng apat na motorsiklo saka tinutukan ng baril ang biktima.

Agad kinuha ng mga suspek ang isang unit ng Samsung Galazy cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P30,000 pesos saka nagsitakas.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

The post Dalaga na BFP trainee, hinoldap appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>