KRITIKAL ang lagay ng isang construction worker matapos itong hatawin ng maso ng kanyang foreman sa inuman Biyernes ng gabi sa Mango Road Potrero, Malabon City.
Nakaratay at inoobserbahan sa Jose Reyes Memorila Hospital si Luisito Requerto, 32, binata, ng nasabing barangay.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Noel Bacabis, 36, construction foreman, at residente ng Dulo Lambakin, Marilao, Bulacan.
Ayon sa ulat, dakong 8:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa labas ng construction site sa nasabing barangay.
Nag-iinuman umano ang dalawa at hindi malamang kadahilanan nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Pumasok na ang biktima sa loob ng compound subalit sinundan ng ito suspek hanggang sa biglang dumampot ng maso at hinataw ang biktima sa mukha.
Tumakas ang suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing ospital.
The post Construction worker minaso ng foreman, malubha appeared first on Remate.