MAGLALABAS ang Commission on Elections (COMELEC) ng instructional video para sa mga Boards of Election Tellers (BET) na magsisilbi sa Barangay Elections sa Oktubre 28.
Ayon kay COMELEC Commissioner Grace Padaca, nagpo-produce na sa ngayon ang COMELEC Education and Information Department (EID) ng instructional video para makatulong sa mga gurong magsisilbi sa halalan dahil maglalaman ang mga ito ng mga voting at counting procedures.
Ipaliliwanag rin dito ang ilang inputs kung paano mag-manage ng polling place sa araw ng halalan.
Target ng COMELEC na mailabas agad ang video para sa mga serye ng pagsasanay na sisimulan nila sa ikalawang linggo ng Oktubre.
The post Instructional video sa mga BET sa Brgy election, inihahanda ng COMELEC appeared first on Remate.