AABOT sa 200 pulis Quezon City ang nakatakdang ipakalat sa EDSA Shrine para sa “Edsa Tayo” rally bukas, Setyembre 11.
Ito ang kinumpirma kaninang umaga ni Quezon City Police District Chief Supt. Richard Albano na ang mga itatalagang pulis ay bahagi ng contingent na magpapanatili ng peace and order sa naturang lugar.
Ang naturang kilos protesta ay ikinasa bilang pagtutol ng mga mamamayan sa “pork barrel”.
Sinabi ni Albano na makakasama ng mga pulis Quezon City ang iba pang pulis sa Mandaluyong City na magpapanatili ng peace and order sa lugar at para bantayan din ang seguridad ng mga taong dadalo sa anti-pork barrel rally.
Inaasahang lalahukan ng libo-libong mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang rally bukas na inorganisa ng multi-sectoral group.
The post 200 pulis-QC ikakalat sa EDSA bukas appeared first on Remate.