Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Dalagitang ibinubugaw pinabugbog ng bakla

$
0
0

KULONG ang isang bakla matapos ipabugbog sa kanyang katropa ang dalagitang ibinubugaw matapos kumalas sa kanya sa Valenzuela City, Lunes ng hapon.

Nahaharap sa kasong anti-human trafficking at child abuse si Lester Parungao, 21 ng Tongco St., Malinta habang nakatakas ang mga kasama na nakilala lang sa alyas na Botchok; Kenneth; John-john at Bea.

Sa pahayag ng biktimang edad 13, nagalit sa kanya ang suspek matapos siyang umayaw sa pambubugaw ng bakla sa iba’t ibang lalaki kapalit ng pera.

Ala-1:30 ng hapon, bumibili siya sa tindahan sa nasabing lugar nang lapitan ng suspek at sabihan na “kung hindi ako ang mambubugbog sayo, tropa ko na lang” sabay tawag sa iba pang mga suspek at pinagtulungang kuyugin ang dalagita.

Nang makapagsumbong sa mga pulis ang biktima ay nadakip ang bakla habang nakatakas ang iba pang suspek.

Lumalabas na noong nakaraan buwan ay pumayag ang biktima na ibugaw ni Parungao sa mga lalaki kapalit ng pera subalit umayaw na ang dalagita dahil sa dami ng ibinigay na kostumer ng suspek.

The post Dalagitang ibinubugaw pinabugbog ng bakla appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>