Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

UPDATE: Negosyante pinatay ng sariling anak

$
0
0

PATAY ang isang negosyante nang pagbabarilin ng kanyang sariling anak matapos mauwi sa mainitang pagtatalo ang kanilang diskusyon kaninang umaga sa Las Piñas City.

Naisugod pa sa Asian Hospital ng kanyang mga kapitbahay ang biktimang si Antonino Antonio, ng 118 Concha Cruz Drive, BF Homes, Barangay Almanza 1 subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng limang tama ng bala ng kalibre super .38 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Nelson Antonio 44, ng Lot 13 Blk 78 Rafael Reyes T., BF Homes Almanza 1, makaraan ang pamamaslang, dala ang ginamit na armas.

Sa ulat, tinanggap ni Las Piñas Police Chief Senior Supt. Adolfo Samala, Jr., naganap ang insidente alas-9 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima na nagsisilbi rin bilang kanyang tanggapan.

Sa pahayag ng security guard ng BF Homes na si Ramil Borris, bago nangyari ang insidente ay narinig niyang nagtatalo ang mag-ama at pasigaw na sinabi ng suspek ang katagang “Lagi na lang ako” bago nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nakita na lamang niya na tumatakbong palabas ang duguan ng biktima na hinahabol pa ng kanyang anak.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at kung ano ang pinagtatalunan ng mag-ama bagama’t ilang testigo ang nagpahayag na kamakalawa pa ng gabi nagwawala ang suspek at pinagbabaril pa ang gate ng kanyang bahay.

Natigil lamang ang pagwawala ng suspek nang dumating ang kanyang ama at nagbanta na isusuplong siya sa pulisya kapag hindi tumigil sa pagwawala.

The post UPDATE: Negosyante pinatay ng sariling anak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>