HANDA na ang pamahalaan na ikasa ang anumang paraan at gamitin ang matinding puwersa para maresolba ang sitwasyon sa Zamboanga City.
Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda na ito ang ultimatum na hakbang na ibibigay ng gobyerno sa supporters ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari na nasa ika-apat na araw nang nanggugulo sa nasabing lungsod.
“The forces of the state are ready to exercise the resolve of the government. While the government is exhausting all avenues for a peaceful resolution to the situation, let it be clear to those defying us that they should not entertain the illusion that the state will hesitate to use its forces to protect our people. Instead, it is time for you to cooperate to resolve this situation peacefully at the soonest possible time,” ani Sec. Lacierda.
Naging matigas din ang pahayag ng Malakanyang na nagbibigay babala sa mga taong magte-take advantage sa sitwasyon.
“There has been an encounter in Basilan today when members of the BIFF and ASG, estimated at around 150, ostensibly tried to attack Lamitan City. The armed forces stopped them, and after a two hour firefight, are now in hot pursuit. The BIFF and ASG assumed they could take advantage of the situation. They were wrong. As others who will also make similar attempts will be proven wrong,” aniya pa rin.
At para naman sa mga tao ng Zamboanga City, tiniyak ni sec. Lacierda na nananatiling solidong nakasuporta ang lokal na pamahalaan sa kanila at masiguro na matutugunan ang kanilang pangangailangan.
Inatasan aniya ng Punong Ehekutibo ang national government agencies na agad na ibigay ang mga pangangailangan ng mga tao sa Zamboanga City at ang BASULTA sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing suplay sa tulong ng DOTC at DTI.
The post Ultimatum sa Zambo siege idineklara appeared first on Remate.