MANILA, Philippines – Labis na nakaapekto umano ang suplay ng COVID-19 vaccine sa vaccination rate ng mga Higher Education Institutions (HEI) sa buong bansa.
Ito ang sinabi ng Commission on Higher Educations (CHED) sa press briefing ng ahensiya nitong Lunes, Oktubre 11.
“Ang napansin natin, iyong mga lugar na medyo malayo sa Metro Manila at medyo kapos ang mga vaccines, medyo mababa pa ang percentage ng nabakunahan na mga empleyado at mga estudyante,” sinabi ni CHED Chairman Popoy De Vera.
Ibinahagi niya rin na noong nakaraang linggo ay nagpasa na ng ulat tungkol sa vaccination program ang mga HEIs.
Sa huling tala mula sa kaniyang Oktubre 6 na report, 73% na ng mga higher education personnel mula sa 1,488 na unibersidad at kolehiyo ang nabakunahan na kontra COVID-19. RNT
The post Vax rate sa mga estudyante, teaching personnel apektado ng suplay nito – CHED appeared first on REMATE ONLINE.