Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Deboto ng Itim na Nazareno dagsa na

$
0
0
DUMARAMI na rin maging ang mga dayuhang deboto ng Mahal na Poong Nazareno.
Ayon kay Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Quiapo Church, kapansin-pansin na dumami rin ang bilang ng mga dayuhang dumarating sa Maynila upang lumahok sa tradisyunal na taunang prusisyon para sa Itim na Nazareno.
Sinabi pa ng pari na taong 2008 pa nang maobserbahan niyang unti-unti na ring nadaragdagan ang mga dayuhang deboto.
Ito’y indikasyon aniya na ang debosyon sa Black Nazarene ay lalong lumalawak, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong–dagat.
“I noticed this (increase) on the second year that I was assigned here (Quiapo Church). I’ve been here for seven years now,” ani Ignacio.
Ibinunyag din ng pari ang isang panukala ng Manila Tourism and Cultural Affairs (MTCA) na mag-imbita ng mga Katoliko sa ibang bansa, para lumahok sa pagpapakita ng mga Pinoy ng kanilang pananampalataya.
Nilinaw naman ni Ignacio na sariling plano ito ng MTCA at ang Quiapo Church aniya ay hindi nag-iimbita, kundi kusa lamang nagpupunta ang mga dayuhan.
Idinagdag pa ni Ignacio na maraming kahilingan mula sa iba’t ibang bansa ang natatanggap niya at humihingi ng gabay kung paano sila makakatungo sa Quiapo.
Ngayong taon, inaasahan ni Ignacio na aabot sa hanggang 12 milyon ang mga debotong makikiisa sa kapistahan ng Itim na Nazareno.
Nakipag-ugnayan na aniya ang church authorities sa mga concerned government agencies hinggil sa kanilang plano sa pagsasaayos ng seguridad, trapiko at crowd control sa prusisyon sa Huwebes.
Maynila, handa na
Tiniyak naman ni Manila Mayor Joseph Estrada, na siyang hermano mayor ngayong taon, na handang-handa na sila sa pista, at ang kanilang prayoridad ay ang kaligtasan ng mga lalahok sa isa sa mga pinakamalaking pagtitipon ng Simbahang Katoliko sa bansa.
Deboto, dagsa

Samantala, unti-unti nang dumadagsa ang mga deboto ng Mahal na Poong Nazareno sa Quirino Grandstand upang makauna sa pila matapos na paagahin ng mga organizers ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa imahe.

Nabatid na ang imahe ay inilipat sa Quirino Grandstand nitong 10:00 ng Lunes ng gabi, kung kailan kaagad nang sinimulan ang pahalik, sa halip na Miyerkules pa ng 1:00 ng hapon.  Palima-limang deboto lamang naman ang pinapayagang makalapit sa imahe upang mapanatiling maayos ang aktibidad.
Umaabot lamang din sa tinatayang mahigit 100 ang mga debotong pumila para sa maagang pahalik mula Lunes ng gabi hanggang 6:00 ng Martes ng umaga, dahil hindi naman kaagad naianunsiyo ang maagang paglipat sa Nazareno.
Aminado naman si Paul Hinlo, na siyang nangangasiwa ng seguridad sa traslasyon,  maging sila ay hindi rin inasahan ang biglaang desisyong ito ng komite.
Seguridad, kasado na

Tiniyak rin naman ni Hinlo na handang-handa na ang seguridad sa lugar at may mga nakakabit ng mga CCTV cameras sa lugar.

Naka-set up na rin umano ang control room sa likod ng imahe habang patuloy ang pag-iikot ng bomb sniffing dogs.
Nakikiusap rin naman sila sa mga deboto na maging maingat at huwag nang magdala ng cellphone at iba pang mga mahahalagang gamit sa pagtungo sa pahalik at paglahok sa prusisyon.
Pinayuhan rin nila ang mga bata, buntis, matatanda at mga may kapansanan na huwag nang sumama sa translasyon at sa halip ay sa kani-kanilang tahanan na lang manalangin bilang pakikiisa sa pagdiriwang, upang makaiwas sa disgrasya.
Inikot na rin naman ng security group at ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang bagong ruta ng translasyon na gaganapin sa Huwebes, matapos ang tradisyunal na vigil na sisimulan ganap na 7:00 sa Miyerkules, Enero 8 ng gabi at magtatapos ng 4:00 ng madaling araw sa Enero 9.
Ganap na 7:00 naman ng umaga uumpisahan ang prusisyon matapos ang isang banal na misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Matatandaang batay sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naglatag ng bagong ruta sa prusisyon. Sa halip na sa McArthur Bridge, ay sa Jones Bridge, na mas matibay, idaraan ang prusisyon.
Ruta ng prusisyon
Mula sa Quirino Grandstand, ang imahe ng Itim na Nazareno ay dadalhin sa Katigbak Drive, Padre Burgos, diretso sa Taft Avenue, tungo sa Jones Bridge.
Kakanan ito sa Escolta, kaliwa sa Quezon Boulevard, Arlegui, Fraternal, kanan sa Vergara, at Duque de Alba St..

Dadaan ito sa Castillejos, Farnecio, Arlegui, Nepomuceno, Aguila, Carcer, diretso sa Hidalgo patungong Plaza del Carmen, Bilibid Viejo, Puyat, Guzman, Hidalgo, Barbosa, Globo de Oro, Palanca, Lanace, Villalobos, at saka babalik sa Plaza Miranda.

The post Deboto ng Itim na Nazareno dagsa na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>