HINDI lamang pasok sa mga paaralan, kundi maging ang pasok sa city local offices sa Maynila ay sinuspinde na rin bukas, Enero 9.
Ani Manila Mayor Joseph Estrada, ito ay upang bigyan daan at maging bahagi sila sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo at traslacion ng Poong Itim na Nazareno bukas.
Una nang naglabas ng EO ang pamahalaang lungsod ng Maynila nitong Biyernes ng gabi na nagsasabing suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod dahil na rin sa inaasahang mabigat na trapiko sa pagdagsa ng milyong deboto.
The post Pasok sa Manila City hall suspendido bukas appeared first on Remate.