HINDI kuntento si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos pakawalan ng awtoridad sa Metro Manila si Davidson Bangayan, ang sinasabing “smuggling king” na tinatawag ding si “David Tan.”
Malaki ang paniwala ni Duterte na “dummy” lang ang “David Tan” at ang ipinakita niya na larawan na hari ng smuggling ang siya ring sumuko na si Davidson Bangayan sa NBI.
Umaalma ang mayor matapos na tila pakitang tao lamang ang pagsuko ni Tan na agad ding pinakawalan dahil sa ang “Davidson Bangayan” na pangalan nito ay hindi “David Tan” na nasa arrest warrant na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court.
Sinabi pa nito na parang walang hakbang na ginagawa ang NBI matapos magpalabas siya ng pahayag at magbabala sa pangalang “David Tan.”
Maaalala na nagbanta pa si Duterte na papatayin niya ang sinumang mapapatunayang smugglers sa kanyang lungsod.
The post Duterte ‘di kuntento sa pagpapalaya ng NBI kay Bangayan appeared first on Remate.