SA kasagsagan ng pang-aabuso na ikinakasa ng ilang bilang ng tiwaling pulis, plano ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na mas itaas pa ang level sa pagkuha ng mga police officers.
Sinabi ni Purisima na ang nais niya ay mga graduates ng education, psychology, social work, mass communications at iba pang professionals na maging police officers.
Naniniwala si Purisima na ang mga teachers, psychologists, social workers, journalists, at ibang pang professionals ay mas makapagsisilbi sa PNP kaysa sa criminology graduates.
“I don’t even want criminology graduates to become police officers because they are just fit to become workers at the crime laboratory,” pahayag nito.
Aniya, ang outsourcing system sa pagkuha ng mga pulis ay makakabawas sa naiulat na korupsyon sa pagkuha ng mga officers, na ikinakasa ng tiwaling opisyal na in charge sa pagkuha ng PNP personnel.
Ang proposal aniya ay para masawata ang korupsyon at pangaabuso ng police officers, na ang pinakahulli ay ang panggagahasa at pangongotong ng dalawang rookie policemen sa Pasay City, at ang kuwestiyunableng operasyon sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na nagiwan ng 13 katong patay.
“We are trying to innovate. We are thinking of outsourcing. We will accept applicants, then we will endorse their application papers to the processor, a private human resource company, which will check everything, including their background and qualifications,” pahayag ni Purisima