INAASAHANG darating sa bansa sa Enero 27 ang isang opisyal ng Vatican upang makipagpulong sa mga Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para personal na makita ang rehabilitation efforts na isinasagawa sa mga lugar na sinalanta ng super bagyong Yolanda.
Ayon kay dating Philippine ambassador to the Vatican Henrietta de Villa, sa buong araw ng Enero 28 naman ay bibisita si Cardinal Robert Sarah sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda bago bumalik sa Maynila para naman makipagpulong sa mga Obispo ng CBCP.
Sinabi naman ni CBCP Secretary General, Fr. Marvin Mejia na magbibigay ng mensahe si Sarah at tatalakayin ang recovery works ng simbahan sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.
Ani de Villa, sa Enero 30 ay bibiyahe patungong Roma ang Cardinal.
Anang CBCP, si de Villa ang consultor sa Cor Unum, na isang administrative body na nagsisilbi sa ngalan ni Pope Francis para sa mga charitable activities ng simbahan.
Ang Cor Unum ang nagdi-distribute ng papal funds sa mga disaster-torn areas sa buong mundo.
Matatandaang sinalanta ng super bagyong Yolanda ang Visayas at Southern Luzon noong Nobyembre 8 at nag-iwan ng may 6,200 na patay.
The post Opisyal ng Vatican darating sa bansa appeared first on Remate.