LABINDALAWANG opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang sinibak sa puwesto, ayon kay Customs Commissioner John Sevilla.
Inilipat naman agad sa Customs Policy Research Office (CPRO) ang mga nasibak sa puwesto.
Kasama sina Samson Pacasum at Edward Dybuco na dating opisyal ng Port of Davao sa natanggal dahil sa paglabas ng mahigit 100 container ng bigas na walang kaukulang permit.
Aminado ang Customs Commissioner na malalim na ang ugat ng “tara system” at mahirap na itong sugpuin dahil maraming nakikinabang dito.
Ginagawan naman ng paraan ng ahensya na pigilin ang nasabing sistema sa pamamagitan ng paglipat sa ibang opisina ng mga nagkasala.
Subalit, tutol naman si Romy Pagulayan, presidente ng Bureau of Customs Employers Association (BOCEA) sa solusyon ni Sevilla.
Aniya, hindi makababawas ng korapsyon ang pagtanggal sa mga opisyal sa kanilang posisyon dahil mapupunta lang ang tara sa ibang nasa posisyon.
The post 12 opisyal ng Customs, sinibak sa puwesto appeared first on Remate.