MALAKI ang tsansa na makalusot sa Kamara ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Aquino upang tugunan ang kakulangan sa enerhiya sa loob ng isang taon.
Magkagayunman, nilinaw ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Jr. na hindi ito hinihingi ni Pangulong Aquino.
“If the administration asks for it, then the proposal for emergency powers has a good chance to pass. How can we give something that the executive is not asking for? Of course, we will be cooperative if this (measure for emergency powers) would be asked by the President” ayon kay Belmonte.
Sa ngayon aniya ay hindi kailangan ng Pangulo ang emergency powers.
Kamakalawa ay naghain si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ng House Bill (HB) 3743 na nagsusulong upang bigyan ng Kongreso ng emergency powers si PNoy upang pumasok sa mga negosasyon para sa pagtatayo ng mga bagong planta ng kuryente at alisin ang value added tax (VAT) sa kuryente.
Ngunit nagbabala sina Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan at Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares sa pagkakaloob ng emergency powers sa pagsasabing ito ay “unnecessary, politically-motivated and dangerous move.”
Giit ni Colmenares na hindi nagkukulang ng kuryente dahil sapat naman aniya ang suplay nito kung kaya hindi kailangan ang emergency power.
The post Emergency powers, madaling ipapasa kung kailangan appeared first on Remate.