Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Mga rebeldeng Muslim pinakiusapan ng obispo

$
0
0

NANAWAGAN si Basilan Bishop Martin Jumoad sa mga rebeldeng Muslim na tutol sa Bangsamoro Framework Agreement, nabigyan ng pagkakataon ang naturang kasunduan para sa kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon ng Mindanao.

Ang panawagan ni Jumoad ay kaugnay na rin sa nagaganap na sagupaan sa Cotabato, Maguindanao, pagbobomba sa isang simbahan sa Zamboanga at ang banta ng ilang tribo na paglaban sa gobyerno dahil hindi matanggap na kasunduan sa pagitan nito at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Jumoad, hindi digmaan ang solusyon para makamit ang kapayapaan dahil dapat aniyang simulan ito sa dayalogo at pagkakasundo.

“The future of Mindanao will always at doom, so I think it would be good, may we appeal for those who plan for arm struggle to stop it and allow peace agreement to prosper so that…for the sake of our children, because if they continue to wage war against the government and to take arms against the government then there will be no peace in Mindanao. There is no other way except to allow peace to come and it is possible through this agreement,” pakiusap pa ng Obispo.

Pinayuhan naman ni Iligan Bishop Elenito Galido ang mga Pinoy na huwag panghinaan ng loob sa mga grupong nanggugulo sa Mindanao para hindi tuluyang matuloy ang inaasam na kapayapaan sa rehiyon.

Aniya pa, kailangang ituloy ang mga nasimulang hakbang para sa kapayapaan na siyang magdadala rin ng pag-unlad sa Mindanao.

Naniniwala rin ang Obispo na sinsero ang pamahalaan ng Pilipinas at ang MILF para sa kapayapaan na siyang dapat suportahan ng taumbayan.

Base sa huling tala, may 53 katao na ang nasasawi sa kaguluhan sa Mindanao region sa pagitan ng tropa ng gobyero at Bangsamoro Freedom Fighters kung saan may 100,000 mga residente ang nagsilikas dahil sa digmaan.

Bukod sa BIFF, kabilang din sa tutol sa kasunduan ang Moro National Liberation Front, at Sultanate of Sulu na sinasabing hindi naibilang sa binubuong Bangsamoro Agreement na siyang papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

The post Mga rebeldeng Muslim pinakiusapan ng obispo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>