Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Malabon

$
0
0

TODAS ang isang lalaki habang sugatan naman ang kinakasama nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng bahay kahapon ng hapon Pebrero 1 sa Magsaysay St., San Agustin, Malabon City.

Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM) si Rodrigo Clemente y Urbano, 21, ng 19 Magsaysay St. ng nasabing barangay sanhi ng isang tama ng kalibre .45 sa ulo.

Habang inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang kinakasama ng nasawi na si Margerie Gavino, 20, matapos tamaan ng stray bullet sa natawan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang armadong hindi pa nakikilalang salarin patungong Rizal Ave, San Agustin, Malabon.

Base sa imbestigasyon ni SP04 Ferdinand Esperitu, ng Station Investaigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 4:30 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid, magkatabing nakaupo sa papag ng bahay ang mga biktima ng biglang dumating ang dalawang lalaki at walang sabi-sabi kapwa nagbunot ng baril at malapitang binaril sa ulo ang nasawi habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Margerie.

Ayon pa sa imbestigador, isinawalat ng kinakasama ng nasawi na dati ng nasangkot sa mga illegal na droga.

Nakarekober sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ng isang empty shell ng kalibre .45 at isang empty shell ng .9mm pistol na ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>