IPINAGTANGGOL ng Malakanyang si Energy Sec. Jericho Petilla sa usapin na kabiguan niya na mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente ang rehiyon ng Mindanao matapos ang brownout doon.
Si Sec. Petilla ay binansagang “Secretary of Darkness” dahil sa kabiguan na matupad ang kanyang pangako na “ilawan” ang buong rehiyon.
Ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., araw-araw na tinututukan ng Department of Energy (DoE) ang supply situation sa buong bansa partikular na ang base load, peak load at galaw nito sa buong araw.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na kalagitnaan ng 2012 nang magpunta si Pangulong Aquino sa Mindanao kung saan pinangunahan niya ang Mindanao Power Summit at hinarap ang iba’t ibang stakeholder groups.
Ipinagmalaki nito na mas maraming investments sa Mindanao kumpara sa Luzon at Visayas simula aniya ng sumipa ang EPIRA Law.
The post ‘Sec. of Darkness’ ipinagtanggol ng Malakanyang appeared first on Remate.