LALONG dumarami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho ngayong 2014.
Ayon sa National Statistics Office (NSO), umakyat sa 7.5% ang jobless rate nitong Enero.
Katumbas ito ng halos tatlong milyong Pilipino na walang pinagkakakitaan.
Mas mataas kumpara sa 7.1% na naitala noong Enero 2013 at 6.5% noong Oktubre 2013.
Ayon sa NSO, hindi pa kasama rito ang Region 8 na pinakamatinding sinalanta ng Bagyong Yolanda.
Matatandaang ipinangako ni Pres. Benigno S. ‘Noynoy’ Aquino III na ibababa nila sa 6.5% hanggang 6.7% ang unemployment rate sa bansa bago matapos ang kanyang termino sa 2016.
The post 3 milyon Pinoy walang trabaho appeared first on Remate.