Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

2 konsehal muntik magrambol sa sesyon

$
0
0

NAUWI sa mainitang pagtatalo ang away ng dalawang konsehal sa Panukulan, Quezon.

Sa ipinadalang ulat ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Municipal Councilor Noeme Penamante at ang suspek na si Municipal Councilor Ruel Valencia.

Katatapos pa lamang ng kanilang weekly session nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na nauwi sa panununtok ni Valencia sa biktima.

Mabuti na lamang at naharang ni Municipal Councilor Emmanuel Penamante ang kamao ng suspek kung kaya hindi tumama sa kanya ang suntok nito.

Maliban dito, kung anu-anong masasamang salita pa ang sinabi ni Valencia sa biktima.

Kaugnay nito, kasong slander by deed o oral defamation ang isinampa ng biktima laban sa naturang suspek.

The post 2 konsehal muntik magrambol sa sesyon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>