PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na sundin ang pay rules para sa nalalapit na paggunita sa “Araw ng Kagitingan” na deklaradong regular holiday.
Alinsunod sa pay rules para sa regular holiday, kung ang isang empleyado ay hindi pumasok sa trabaho ay tatanggap pa rin ito ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa araw na iyon.
Kung ang isang empleyado naman ay pumasok ay tatanggap ito ng 200 porsyento ng kanyang sweldo para sa unang 8 oras at karagdagang 30 porsyento para sa kanyang hourly rate.
Kung natapat naman sa rest day ng empleyado ay tatanggap ito ng 230 porsyento ng kanyang sweldo sa unang 8 oras at dagdag na 30 porsyentong hourly rate.
Ang “Araw ng Kagitingan” o Bataan Day ay bilang paggunita sa pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942 kung saan mahigit 76,000 sundalong Pinoy at Amerikano ang sumuko sa pwersa ng mga sundalong Hapon.
The post DOLE nagpaalala sa pay rules sa Abril 9 appeared first on Remate.