Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Wage hike para sa gov’t workers, igigiit ng Senado

$
0
0

IGIGIIT sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong itaas ang sahod ng mga mangagawa sa pamahalaan mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa Pangulo.

Batay sa Senate Bill No. 1689 o tatawaging Salary Standardization Law ni Sen. Antonio Trillanes IV, sinabi na kabilang sa layunin na kanyang panukala ay upang maiwasan na ang korapsyon.

Naniniwala ang senador na kung may sapat na sahod ang empleyado at opisyal ng pamahalaan ay hindi na ito masasangkot pa sa katiwalian.

Sa nilalaman ng panukala, ang Job Grade 1 ay magiging Php 16,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php 9,000; at ang highest government rank na Pangulo ay magiging Php 500,000 ang base pay mula sa kasalukuyang Php 120,000.

Kabilang din sa makikinabang ang mga pulis, sundalo at mga guro.

Inihain na na rin sa Kamara ang panukalang batas na layong doblehin ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kina Magdalo Partylist Representatives Francisco Ashley Acedillo at Gary Alejano, kapwa may-akda ng naturang panukala, dapat nang itaas ang sahod ng mga teacher lalo’t itinuturing ang mga ito na “most underpaid at overworked professionals.”

The post Wage hike para sa gov’t workers, igigiit ng Senado appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>