Quantcast
Channel: NEWS Archives - REMATE ONLINE
Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Driver itinumba ng riding-in-tandem sa QC

$
0
0

TIGBAK ang isang driver makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo sa isang sasakyan sa kanilang lugar sa Brgy. Batasan, Quezon City kaninang madaling-araw, Mayo 6, 2014.

Kinilala ang biktima na si Ramil Adena, 29, ng Brgy. Batasan, QC na idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Lumalabas na naganap ang insidente sa kahabaan ng San Mateo Road, cor. Presidential St., Brgy. Batasan, alas-4:15 ng madaling-araw.

Sa ulat, nakaupo sa driver seat ng Isuzu elf  (XLR-336) si Adena nang lapitan ng hindi nakilalang suspek saka pinagbabaril ang walang kalaban-laban na biktima.

Matapos matiyak na patay na ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

The post Driver itinumba ng riding-in-tandem sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 32938

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>