HINDI tatanggapin sa voter’s registration ang cedula at police clearance.
Ito ang muling paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng botante na may gustong baguhin sa kanilang records at pagpaparehistro.
Payo ng Comelec, magdala ng angkop na pagkakilanlan sa Comelec Office sa kanilang lugar.
Paliwanag pa ng Comelec na bagaman valid ID ang Community tax certificate o cedula at ang Philippine National Police clearance ay hindi naman ito puwedeng tanggapin alinsunod na rin sa Comelec resolution no. 9853 na nagkabisa noon lamang Pebrero 19.
Nakasaad sa resolusyon na ang mga valid ID na naglalaman ng kumpletong pangalan, address, larawan at lagda, kabilang ang company o school ID, senior citizen’s o PWD ID, lisensya, NBI clearance at iba pa ang tatanggapin.
The post Cedula at police clearance ‘di puwede sa voter’s registration appeared first on Remate.