KINALAMPAG ng mga estudyante mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ang tanggapan ng Commission on Higher Education (CHEd) kaninang umaga, Mayo 15.
Ito’y bunsod ng nakaambang dagdag-singil sa matrikula sa ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa sa papasok na school year.
Kasama ang grupong Anakbayan, naglatag ng noise barrage ang mga estudyante saka kinalampag ang gate ng komisyon.
Pinagbabato rin nila ng pintura ang dala nilang logo ng anila’y mga unibersidad na sobrang mahal kung maningil.
Sinunog din nila ang bitbit na malaking registration form na nagpapakita ng mataas na singil sa bayarin sa eskwelahan pati na ang miscellaneous fees nito.
Binatikos din ng mga estudyante ang anila’y kawalan ng aksyon ng administrasyong Aquino at madaliang pagpayag ng CHEd na magtaas ng tuition sa mga paaralan.
Todo-bantay naman ang mga guwardya ng CHEd at pulisya habang nagsasagawa ng programa ang mga estudyante.
The post CHED, kinalampag vs tuition hike appeared first on Remate.